DIMAANG FILIPINO-ESPANYOL
Simula noong 1896 ang pangkat ng mga Filipinos sa ilalim ng Pangkat Magdalo ay gumawa ng kanilang magagawang tulong upang mapalaya ang lalawigan ng Marinduque mula sa mga dayuhang Kastila. Ang pangkat ng mga taga Mogpog ay pinamumunuan ni Basilio Mendez at pumangalawa sa tungkulin ang kanyang kapatid na si Vicente Mendez na siyang “recruiting officer” o naghahanap ng mga kaanib ng kilusan. Si Olympia Mendez ang Supply Officer o tagatustos ng mga kinakailangan ng kilusan. Ang mga iba pang mga pinuno ng pangkat ay sina Juan Manuba alyas Mauser, Felix Lavega, Fabian Medenilla, Dalmacio at Pedro Lamac, Bartolome Taingaso at marami pang iba. Noong Disyembre 1896 ng si Gat. Jose Rizal ay barilin sa Bagumbayan, ang mga insurectors ng Mogpog ay marami na. sa loob ng isang taon, sila ay nagsanay ng “escrima” o “estocada”(FENCING) “hand to hand combat” at sa paggamit ng mga yaring bahay ng mga baril kung tawagin ay “de Pugon”.
Noong Agosto 1897 ang mga rebolusyunista ng Marinduque sa pamumuno ni Herminihildo Torres ay nagsagawa ng kanilang pang-unang pagsalakay sa Bayan ng Boac sa tulong ng mga insurectors na mga taga Mogpog. Ang kanilang target ay ang simbahang katoliko ng Boac upang patayin ang mga sundalong Kastila na nakatira sa kumbento ng nasabing simbahan. Hindi nagtagumpay ang kanilang pagsalakay sapagkat marami sa kanilang insurectors ang napatay. Ang ilan ay nabihag at ang iba naman ay nangag-siurong. Ang mga nabihag ay sina Juan Manuba, Felix Lavega, Fabian Medenilla at magkakapatid na Lamac at iba pa. ang mga sundalong Kastila na binubuo ng mga talagang tunay na Kastila at mga Pilipinong kusang-loob(volunteers) na umanib sa kilusan ay sumunod at humabol sa mga insurectors kung kaya’t patuloy ang laban ng dalawang pangkat. Ang mga rebolusyunista ng Mogpog ay nagtayo ng “crude battery” pananggalang na yari sa abaka na ibinibigay ng isang Intsik na naninirahan sa bayan ng Mogpog. Naging mahina ang pakikipaglaban ng mga Filipinos laban sa mga Kastila dahil may mga garantisadong armas ang huli. Ang mga insurectors ay nangag-siruong hanggang sa marating nila ang kanilang kuta sa nayon ng Bintakay kilala sa taguring Bundok ng Camarines na tinatawag ngayong Pinagbateryahan. Dito ay ginawa nila ang pangwakas ng pagtatanggol sa bayan sa laban sa dayuhan. Sa pamamagitan malalaking bato, naitaboy nila ang mga Kastila at tumagal ang laban sa loob ng isang linggo.
Ang pangkat ng mga sundalong Kastila sa pamumuno na Sgt. Vedasto Mawac ay ipinadala upang mapatunayan kung totoong ang landas o daan doon ay ligtas at maaring marating ng mga Filipinos. Ang Estocada ay sumunod ng mag-abot ang magkabilang grupo. Sa labang ito dinaig ng mga sundalong Kastila sa pamamagitan ng kanilang kasanayan sa pagsaksak. Si Vedasto Mawac ay napatay sa tabi ng daan patungong Camarines sa nayong kung tawagin ngayon ay Mababad samantalang ang kanyang mga kasamahan ay nagbalik sa Poblacion, duguan dahil sa sugat nilang tinamo sa labanan.
Sa kabila ng bundok sa lugar na ngayon kung tawagin ay Bintakay, dalawang sarhentong Kastila, sina Sgt. Raymundo Lecaros at Tranquilino Lecaros ay naghahanap din ng daan patungong Camarines. Nakita o namataan sila ng pangkat ng mga insurectors na pinamumunuan ni Olympia Mendez, ang Gabriela Silang ng Mogpog “single handed”. Nagsimula na naman ang labanan samantalang silang lahat ay nakakabayo, dito ay ipinakitang muli ni Olympia ang kanyang kakayahan. Nasugatan niya ang dalawang kalabang ito at di nagtagal ay naitaboy nila ang mga kalabang hanggang makarating sila sa lugar na kung tawagin ay Duongan sa nayon ng Laon.
Makalipas ang isang linggong pananalakay sa grupo ng mga Filipino, ay ang mga sundalong Kastila ay nagbalik na sa Boac dala ang bangkay ng mga nasawi at mga nasugatan pagkatapos ang mga insurectors ay malaya na namang nakapamasyal sa Bayan ng Mogpog.
Ipinakita nila sa publiko ang bangkay ni Sgt. Vedasto Mawac na buhat buhat nila na nakalagay sa kawayan.
Ang mga Kastila ay naghiganti upang tumbasan ang kanilang pagkatalo sa digmaan sa Bintakay. Makalipas ang huwad na paglilitis na tumagal ng halos isang buwan ang mga insurectors na nabihag sa pagsalakay ng mga ito sa “Boac Catholic Church” ay nahatulan at binitay sa pamamagitan ng “firing squad”. Ang pagbitay ay naganap noong 10 de Octubre 1897 sa harapan ng Kumbento ng Simbahan ng Boac na nagsilbing “barracks” o kwartel ng mga sundalong Kastila. Ang mga labi ng mga insurectors ng Mogpog ay isinakay sa karomata, kalesa o kariton at dinalang muli sa Mogpog upang ilibing sa sementeryo nang naturang bayan. Bago naganap ang paglilibing, ang sundalong Kastila na nakatalaga sa paglilibing na tumayo na may pangakong kalayaan para sa kanila. Si Juan Manuba at Felix Lavega ay tumayo. Sila ay pinalaya. Si Juan Manuba ay tinawag na Mauser, bagay na pangalan ng baril na ipinagtibay sa mga baril na ipinagtibay sa mga insurectors.
hango ito sa :discovermogpog.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento