Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.
ito ay hango sa: tl.wikipedia.org
itong larawan ay hanho sa :www.google.com.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento