Sabado, Marso 15, 2014

dimaang pilipino at espanyol

DIMAANG FILIPINO-ESPANYOL 

Simula noong 1896 ang pangkat ng mga Filipinos sa ilalim ng Pangkat Magdalo ay gumawa ng kanilang magagawang tulong upang mapalaya ang lalawigan ng Marinduque mula sa mga dayuhang Kastila. Ang pangkat ng mga taga Mogpog ay pinamumunuan ni Basilio Mendez at pumangalawa sa tungkulin ang kanyang kapatid na si Vicente Mendez na siyang “recruiting officer” o naghahanap ng mga kaanib ng kilusan. Si Olympia Mendez ang Supply Officer o tagatustos ng mga kinakailangan ng kilusan. Ang mga iba pang mga pinuno ng pangkat ay sina Juan Manuba alyas Mauser, Felix Lavega, Fabian Medenilla, Dalmacio at Pedro Lamac, Bartolome Taingaso at marami pang iba. Noong Disyembre 1896 ng si Gat. Jose Rizal ay barilin sa Bagumbayan, ang mga insurectors ng Mogpog ay marami na. sa loob ng isang taon, sila ay nagsanay ng “escrima” o “estocada”(FENCING) “hand to hand combat” at sa paggamit ng mga yaring bahay ng mga baril kung tawagin ay “de Pugon”.

Noong Agosto 1897 ang mga rebolusyunista ng Marinduque sa pamumuno ni Herminihildo Torres ay nagsagawa ng kanilang pang-unang pagsalakay sa Bayan ng Boac sa tulong ng mga insurectors na mga taga Mogpog. Ang kanilang target ay ang simbahang katoliko ng Boac upang patayin ang mga sundalong Kastila na nakatira sa kumbento ng nasabing simbahan. Hindi nagtagumpay ang kanilang pagsalakay sapagkat marami sa kanilang insurectors ang napatay. Ang ilan ay nabihag at ang iba naman ay nangag-siurong. Ang mga nabihag ay sina Juan Manuba, Felix Lavega, Fabian Medenilla at magkakapatid na Lamac at iba pa. ang mga sundalong Kastila na binubuo ng mga talagang tunay na Kastila at mga Pilipinong kusang-loob(volunteers) na umanib sa kilusan ay sumunod at humabol sa mga insurectors kung kaya’t patuloy ang laban ng dalawang pangkat. Ang mga rebolusyunista ng Mogpog ay nagtayo ng “crude battery” pananggalang na yari sa abaka na ibinibigay ng isang Intsik na naninirahan sa bayan ng Mogpog. Naging mahina ang pakikipaglaban ng mga Filipinos laban sa mga Kastila dahil may mga garantisadong armas ang huli. Ang mga insurectors ay nangag-siruong hanggang sa marating nila ang kanilang kuta sa nayon ng Bintakay kilala sa taguring Bundok ng Camarines na tinatawag ngayong Pinagbateryahan. Dito ay ginawa nila ang pangwakas ng pagtatanggol sa bayan sa laban sa dayuhan. Sa pamamagitan malalaking bato, naitaboy nila ang mga Kastila at tumagal ang laban sa loob ng isang linggo.

Ang pangkat ng mga sundalong Kastila sa pamumuno na Sgt. Vedasto Mawac ay ipinadala upang mapatunayan kung totoong ang landas o daan doon ay ligtas at maaring marating ng mga Filipinos. Ang Estocada ay sumunod ng mag-abot ang magkabilang grupo. Sa labang ito dinaig ng mga sundalong Kastila sa pamamagitan ng kanilang kasanayan sa pagsaksak. Si Vedasto Mawac ay napatay sa tabi ng daan patungong Camarines sa nayong kung tawagin ngayon ay Mababad samantalang ang kanyang mga kasamahan ay nagbalik sa Poblacion, duguan dahil sa sugat nilang tinamo sa labanan.

Sa kabila ng bundok sa lugar na ngayon kung tawagin ay Bintakay, dalawang sarhentong Kastila, sina Sgt. Raymundo Lecaros at Tranquilino Lecaros ay naghahanap din ng daan patungong Camarines. Nakita o namataan sila ng pangkat ng mga insurectors na pinamumunuan ni Olympia Mendez, ang Gabriela Silang ng Mogpog “single handed”. Nagsimula na naman ang labanan samantalang silang lahat ay nakakabayo, dito ay ipinakitang muli ni Olympia ang kanyang kakayahan. Nasugatan niya ang dalawang kalabang ito at di nagtagal ay naitaboy nila ang mga kalabang hanggang makarating sila sa lugar na kung tawagin ay Duongan sa nayon ng Laon.
Makalipas ang isang linggong pananalakay sa grupo ng mga Filipino, ay ang mga sundalong Kastila ay nagbalik na sa Boac dala ang bangkay ng mga nasawi at mga nasugatan pagkatapos ang mga insurectors ay malaya na namang nakapamasyal sa Bayan ng Mogpog.
Ipinakita nila sa publiko ang bangkay ni Sgt. Vedasto Mawac na buhat buhat nila na nakalagay sa kawayan.

Ang mga Kastila ay naghiganti upang tumbasan ang kanilang pagkatalo sa digmaan sa Bintakay. Makalipas ang huwad na paglilitis na tumagal ng halos isang buwan ang mga insurectors na nabihag sa pagsalakay ng mga ito sa “Boac Catholic Church” ay nahatulan at binitay sa pamamagitan ng “firing squad”. Ang pagbitay ay naganap noong 10 de Octubre 1897 sa harapan ng Kumbento ng Simbahan ng Boac na nagsilbing “barracks” o kwartel ng mga sundalong Kastila. Ang mga labi ng mga insurectors ng Mogpog ay isinakay sa karomata, kalesa o kariton at dinalang muli sa Mogpog upang ilibing sa sementeryo nang naturang bayan. Bago naganap ang paglilibing, ang sundalong Kastila na nakatalaga sa paglilibing na tumayo na may pangakong kalayaan para sa kanila. Si Juan Manuba at Felix Lavega ay tumayo. Sila ay pinalaya. Si Juan Manuba ay tinawag na Mauser, bagay na pangalan ng baril na ipinagtibay sa mga baril na ipinagtibay sa mga insurectors.


hango ito sa :discovermogpog.blogspot.com


commonwealth ng pilipinas

Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas  ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

ito ay hango sa: tl.wikipedia.org

 itong larawan ay hanho sa :www.google.com.ph

mga pilipino sa kamay ng nga hapones

pananakop ng hapon

Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl HarborHawaiiEstados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Bumagsak ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthus sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1]
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.[1


hango ito sa :tl.wikipedia.org

larawan ng pananakop ng amerikano sa pilipinas


pananakop ng amerikano

Ang pananakop ng mga Amerikano ay isang pagbabalat-kayo, na sa umpisa ay nagkukunwaring mga tagapagligtas ng kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa bandang huli ay unti-unting nagtanggal ng maskara.
Sabi sa aklat ng Sa Kuko ng Limbas na isinulat ni Dr. Nemesio Prudente, ang paghahari at pananakop ng mga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas, ay nahahati sa dalawang panahon o yugto:
¨       Ang una ay lantarang pananakop, kasama na ang panahon ng Komonwelt.
¨       Ang ikalawa ay ang hindi tuwirang pananakop na nagsimula pagkatapos na “ipagkaloob” noong Hulyo 4, 1946 ang kunwa-kunwariang kalayaang pulitikal (neocolonialism)
Sinabi din sa akda na hindi totoong aksidente ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas.  Ang kanilang pagpasok sa Pilipinas at sa buong Asya ay udyok ng makasariling hangarin.  Noong daw mga panahong yaon, humihina na ang mga dating kolonyalistang bansa tulad ng Espanya, Portugal, Pransiya at Olanda.  Dahil dito, madaling naisagawa ng Estados Unidos ang pagpapalawak ng kanyang impluwensyang pangkabuhayan.  Napadali ang pagtatatag nila ng pamilihan sa iba’t-ibang bansa sa Asya na napagdadalhan nila ng kanilang produktong industriyal at agrikultural na labis sa pangangailangan ng kanilang mamamayan.  Ayon pa sa may-akda, inihandang mabuti ng Estados Unidos ang kanyang sistemang gagawin na may hangarin sa Asya.  Pinalakas ang kanyang hukbong dagat at militar upang hindi malamangan ng iba pang mga bansang imperyalista.  Inihanda ang ganitong hukbo, hindi lamang laban sa kapwa imperyalista, kundi upang matiyak ang tagumpay ng pananakop kung tututol ang sasakupin o kung ang mga ito naman ay maghihimagsik kapag nasakop na.  Binigyan-diin din ni Prudente na ang pagpapalakas na ito ng kanilang sandatahang lakas ay hindi dikta ng “dangal at tungkulin” ng kanilang bansa, kundi ng mga monopolistang Amerikano na nagbubukas ng bagong gawain sa Amerika- ang imperyalismong pandaigdig.
Isinalaysay din sa akda ang mga hindi magagandang ginawa ng mga Amerikano, tulad ng panloloko nila kina Aguinaldo, brutalidad at ang hindi makataong pagpaparusa sa mga Pilipino.  Ilan pa sa mga kalupitang ito ay ang mga sumusunod:
¨       Tinutubig ang mga nahuhuling rebolusyunaryong Pilipino.
¨       Ang lahat ng bayan na hindi nakikiisa sa mga Amerikano ay kanilang sinunog at pinagsisira.
¨       Sila ay parang mga sadistang pumatay nang walang kabuluhang pangmilitar.
Inisa-isa din sa aklat ang mga Amerikanong opisyal na nagpahirap sa mga Pilipino tulad nina Hen. Wesley Meritt, Hen. Arthur MacArthur, Hen. Douglas MacArthur, Koronel Jacob Smith at Hen. Frederick Funston.  Sa kabilang panig, nabanggit din dito ang mga kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa mga Amerikano para sa pagpapanatili ng kapayapaan tulad ni Gregorio del Pilar na nagbuwis ng kanyang sariling buhay.  Binigyang-halaga din sa aklat ang mga naitulong ng mga kaibigang Intsik tulad ni Jose Pawa at Dr. Sun Yat Sen na nakaambag sa pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Ipinaliwanag din ng aklat ang mga batas na ipinatupad noon ng mga Amerikano na nagpapatunay na nais nilang sakupin ang Pilipinas tulad ng batas sedisyon at iba pa.  Inilarawan din dito kung paano gumawa ng paraan ang mga Amerikano upang wasakin at baguhin ang kultura at edukasyong Pilipino sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga gurong Amerikano sa Pilipinas at ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo na naglalayong magkaroon ng agwat ang uri ng mga Pilipino.  Ayon sa aklat, ito ay taktikang imperyalista: ang pagpapalubha sa pagkakahati at hindi pagkakaunawaan ng sambayanan.
Sinimulan din, ayon kay Prudente ang pagpapadala sa mga pensiyunadong Pilipino sa Amerika upang makalikha ng mga Pilipinong Amerikano na magtatanggol sa interes ng mga Amerikano sa bansa.  Layunin din, ayon pa sa may-akda ng pagpapadalang iyon ng mga pensiyunado sa Amerika na makabuo ng mga burukratikong Pilipino na higit pang kakampi sa mga imperyalista kaysa sa mga Pilipino.
Ang pagpapasok ng sistema ng edukasyon batay sa mga Amerikano ay isang paraan ng mga imperyalista upang masaklaw hindi lamang ang mga katawan, kundi upang burahin pa rin ang bahid ng nasyonalismo sa isipan ng bawat Pilipino.  Samakatwid, ayon kay Prudente, kinasangkapan ng mga Amerikano ang edukasyon sa pagsakop sa Pilipinas.
Bukod dito, hinayaan ng mga Amerikano na mamatay ang mga industriyang pangkamay o pambahay sa Pilipinas, na dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga yaring produktong Amerikano ay
natatalo sa kompetensya.  Ang ganitong paraan ng pagpatay sa industriyang Pilipino, at ng patuloy na pagdagsa ng mga produktong Amerikano ang naging dahilan ng patuloy na pagkakaroon ng buhay ng piyudalismo na siyang sanhi kung bakit ang mga magsasaka at manggagawa sa Pilipinas ay nananatiling dukha at api.
Ang imperyalismong Amerikano ay hindi makapananatili nang matagal sa Pilipinas kung wala silang kasabwat at kapanalig sa bansa.  Sa larangang pangkabuhayan, ang mga imperyalista ay may mga alipures- mga panginoong maylupa at komprador na siyang tuwirang nakikinabang sa kanilang tuwirang pananakop na iyon.  Ang lagi nang biktima ng koloyalismo ay ang maraming bilang ng mga magsasaka at manggagawa.  Dito sumipot ang neo-kolonyalismo, isang antas ng panloloko ng imperyalismong Amerikano, ngunit siyang pinakamataas.  Ang neo-kolonyalismo o ang makabagong paraan ng pananakop ay isang kilusang kontra- rebolusyunaryo; isang paraan ng paggamot upang mapigil ang paglakas ng kilusang mapagpalaya, lalo na sa dakong Asya.
Ang imperyalismo ay siyang balakid kung bakit hindi maaaring makasunod ang isang bansang hindi maunlad sa daan ng kapitalistang pag-unlad.  Dahil sa patuloy na pananatili ng imperyalismo sa Pilipinas, ang lipunang nabuo at tumibay sa bansa ay isang lipunang malakolonyal at malapyudal.  Ayon sa aklat, ito ang talagang nais na mangyari ng Amerika- na ang balangkas ng kabuhayan ng Pilipinas ay maging pyudal upang sa habang panahon ay maging tagatustos na lamang ito ng mga hilaw na kalakal at tagaangkat ng mga yaring produkto.  Ang mga burukratang kapitalista, partido pulitikal ay nagsilbing kasabwat ng mga imperyalista.  Lahat ng mga kautusan at batas na kanilang nililikha at ipinatutupad ay mga batas na ang mga imperyalista at ang kanilang uri lamang ang siyang nakikinabang.
Ang pambansang krisis na ito, ayon kay Prudente ay mawawakasan lamang sa pamamagitan ng pagbuwag sa hindi pantay na kasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na pinagbabatayan ng mga imperyalistang Amerikano sa Pilipinas.  Nararapat din ayon sa may-akda na magkaisa ang mga manggagawa sa ilalim ng patakarang demokratikong makabayan.  Ang pamamahala ng mga Amerikano sa mga negosyo dito sa Pilipinas ay dapat nang ipasakamay sa mga Pilipino.
At ang pinakaimportante sa lahat, ayon pa kay Prudente ay ang pagbabago sa edukasyon, kailangan itong sumailalim sa Pilipinasyon upang makatulong sa pagbuwag ng imperyalismo sa bansa.
Kung may katotohanan o wala ang mga naisulat ni Prudente sa akdang sa Kuko ng Limbas, bilang mga Pilipino, nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating bansa at proteksyunan natin ito sa mga gawain ng dayuhan na maaaring umagaw uli ng ating kalayaan.  Nawa’y matuto tayo sa nakaraan at iwasan na natin ang paggawa ng mga desisyong magpapahamak sa ating bansa.  Ang Pilipinas ay ating bansa, ito ay para sa atin at tayo bilang mga Pilipino ay para sa kanya.  Sa ano mang ginagawa, isipin natin ang ikabubuti nito sapagkat ang Pilipinas lamang ang nagbubukod tanging Inang Bayan natin.
ito ay hango sa :unangrepublikangpilipinas.wordpress.com

kasaysayan ng pilipinas

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebukasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsiyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSAnoong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina ang ekonomiya ng bansa.



ito ay hango sa:tl.wikipedia.org